walang pamagat

Hindi maarok ng kaisipan ang nararamdaman ng puso at damdamin. Lutang ang diwa sa pag-iisip ng mga bagay ukol sa kasalukuyang kalagayan at sa posibleng dumating. Sa likod ng mga ngiti at halakhak araw-araw, ganun din naman ang bilang ng mga nakatagong luha at hinanaing dahil sa mga alon ng nakaraan. Binabalikan ang mga pangyayari, ngunit hindi matuntun ang puno. Masasayang pagsasama, nakakagaan, nakakabawas ng bigat na nararamdaman, ngunit hanggang kailan nito mapupunan at mabubura ang lungkot at pasaning nadarama. Pakiwari’y nag-iisa, asan na sila? Mga salitang gumagabay, hindi maramdaman mula sa mga naging instrumento ng pagsilang. Hindi ba sa katotohanan na sila din ay isa sa mga dahilan nitong kasalukuyang kalagayan? . . . Humanap ng kaagapay, pagmamahal ay natikman. Naniwala at nanindigan sa panibagong buhay na tinahak. Ngunit may mga pakiramdam, karanasan na mahirap bigyan ng paliwanag at maging isulat. Sa lahat ng ito, tanging sarili lamang ang inaangking karamay. Desisyon at mga katanungan, sinasarili na lamang. Pananalig sa lumikha ang tanging lakas at sa araw-araw ang munting halakhak, yakap ng mga maliliit na braso at halik ng maliit na labi ang tanging kasiyahan at nagpapa-alala na maging matatag.

Leave a Reply